Contact Us

Use the form on the right to contact us.

You can edit the text in this area, and change where the contact form on the right submits to, by entering edit mode using the modes on the bottom right. 

5 Mabolo St
QC, NCR
Philippines

(632) 85718922 - 09275438810

Tahanan ng International Designer na si Ditta Sandico, tampok sa 'Powerhouse'

Journeys

A collection of articles featuring the journeys of Ditta Sandico in her fashion career. 

 

Tahanan ng International Designer na si Ditta Sandico, tampok sa 'Powerhouse'

Ditta Sandico

Tatlumpung taon na sa fashion industry ang designer na si Ditta Sandico at kahit anak siya ng may-ari ng isa sa pinakasikat na department store noong 70s at 80s, hindi naging madali ang landas na kaniyang tinahak bago makamit ang tagumpay. Palibhasa’y kakaiba para sa panahong iyon ang kanyang adbokasiya na pasikatin ang indigenous Filipino fabrics. Pero paano nga ba niya nalampasan ang pangmamaliit sa gawang Pinoy hanggang siya’y respetuhin bilang designer hindi lang sa ating bansa kungdi sa buong mundo?

Bata pa lang si Ditta ay may interes na siya sa fashion design. Labing-isang taong gulang siya nang magpunta sa Mindoro at nasaksihan ang paghahabi ng tela ng mga katutubo. Ang kaniyang paghanga raw sa mga ito ang naging inspirasyon niya para gawing materyales ang mga lokal na produkto sa kaniyang mga disenyo. Hindi lang daw sa ganda kundi pati sa tibay ay nakikipagsabayan ang mga telang gawa natin.

Ipinakilala ni Ditta sa mundo ang galing ng Pilipino sa pamamagitan ng kanyang “Mariposa” at “Lukot Wrap” na gawa sa “banaca” o banana-abaca fabric.  Ipapakita ni Ditta kay Kara kung paanong ang simpleng balabal ay nagmumukhangelegante at pwede nang ipang-rampa sa engrandeng mga event. Sa isang wrap lang daw ay maraming looks nang pwedeng gawin kaya hindi mo na kailangan ng napakaraming bestida.

Kapansin-pansin ang mga inukit na kahoy sa mga upuan, lamesa at pintuan ng bahay na likha raw ng mga iskultor mula sa Betis, Pampanga. Ang larawan ngkanyang ina, obra ng national artist na si FredericoAguilar Alcuaz.  May ilang paintings din si Ditta na siya mismo ang gumawa at ipininta sa pineapple fabric. May showroom din ng kanyang koleksyonpara naman sa kaniyang mga kliyente. Sadya raw na hindi pinuno ng muwebles ang loob para mas maging maaliwalas.